^

Dr. Love

‘Ahas’ ang kinupkop

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Iyah. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kapitbahay namin. Noong una, panay ang kwento niya sa akin tungkol sa problema nila ng kanyang asawa.

Minsan umiiyak pa siya dahil sinaktan siya ng kanyang mister. Naawa ako sa kanya noon, kitang kita ko naman ang mga pasa sa kanyang katawan. Minsan pinahiram ko rin siya ng pera at pinayuhan ko siyang umalis muna para makaiwas siya sa kanyang mister.

Isang linggo lang, bumalik siya at sa amin ko muna siya pinatira.

Ang problema ko, parang lagi sila nag-uusap ng mister ko. Hanggang nakita kong hinaharot na niya ang asawa ko. Pinalayas ko siya agad at kinumpronta ko ang mister ko.

Humingi ng tawad ang mister ko sa akin at nangakong hindi niya papatulan ang babaeng iyon, alang ala na rin sa aming mga anak.

Galit na galit ako sa kanya. Sa kabila ng mabuting pagtanggap ko sa kanya, nagawa pa niyang landiin ang mister ko.

Mabuti at nalaman ko agad ang motibo niya. Kung hindi laking gulo at kahihiyan ang mararanasan namin.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon hindi ako mapakali baka lapitan na naman niya ang mister ko.

Iyah

Dear Iyah,

Tama lang na kinausap mo agad ang mister mo. Siya ang dapat umiwas sa kapitbahay ninyo.

Huwag mo nang paulit-ulitin sa kanya ang pangyayaring ‘yon. Mag-focus ka na mapagsilbihan ng maayos ang iyong mister at arugain ng mabuti ng inyong anak.

Mainam din na iturin mo na masamang panaginip ang pagkupkop mo sa isa palang “ahas”.

Gayunman sakaling lumala ang situwasyon sa pagitan ninyo at ng may pagka-kiri ninyong kapitbahay, hinginninyo ang tulong ng inyong barangay, para maayos sa payapang paraan ang lahat.

Pinakamahalaga pa rin na mapanati-ling maayos ang iyong pamilya.

Dahil kung magkakasira kayo nang tuluyan ng iyong asawa, para mo na ring pinagtagumpay ang ahas sa kanyang motibong wasakin kayo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with