^

Dr. Love

Kinikilig sa dating crush

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ano po ang dapat kong gawin, kasi ang na-ging crush ko simula grade school hanggang high school ay biglang nagparamdam.

Binibiro kasi ako ng mga klasmeyts ko noon sa kanya. Hindi ko siya pinapansin kahit masakit sa kalooban ko, panay ang iwas ko sa kanya. Pero kapag kinakausap niya ako, kinikilig ako. At proud ako kapag magkasama kami.

Umamin po siya na gusto niya rin ako pero may boyfriend na ako ngayon.

Ang sabi niya mag-boyfriend palang naman daw, kaya pwede pa.

Gusto ko po mag-stay sa boyfriend ko kasi matagal na kami at mahal namin ang isa’t-isa. Ayokong maging unfaithful sa kanya.

Pero may nararamdaman din po ako, na parang gusto ko rin po makasama ‘yung dating crush ko.

Naguguluhan po ako, Dr. Love hindi ko po alam kung anong gagawin ko at sino ang pipilin ko. Kung ‘yung crush ko, boyfriend ko o sarili ko muna.

Kasi baka name-miss ko lang ang kiligin o sabik po ulit ako na maramdaman ang in-love na pakiramdam.

Dapat ko rin kayang sabihin sa boyfriend ko na umaaligid ‘yung dati kong crush at umaming type niya ako?

Honey

Dear Honey,

Isang pagsubok ‘yan. Ngayon mo malalaman kung gaano mo talaga kamahal ang bf mo. Mag-ingat ka at ma-ging maagap kung gusto mong maging maayos ang kalagayan ninyo ng bf mo.

Sadyang dumara-ting ang tukso sa ating buhay. Pero ikaw pa rin ang dapat masunod. Kung masaya ka naman sa bf mo, bakit mo pa ie-entertain ang crush mo. Ikaw ang bahala. Ingat ka lang lagi sa iyong desisyon.

DR. LOVE

vuukle comment

BOYFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with