^

Dr. Love

Pinupulaan dahil sa bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Betty. Bakit daw ako pumatol sa isang pilay? Sana kung nakasaklay pero mas matindi, naka wheelchair ang bf ko.

Hindi ko siya sinagot dahil naaawa ako sa kanya. Sinagot ko siya dahil siya ang mahal ko at wala ng iba.  Oo, mas maraming gwapo, mas maraming mayaman at mas matipuno ang katawan pero hindi matutumbasan ang aking pagmamahal sa panlabas na kaanyuan.  Sabi pa nga ni insan, ano raw ang mapapala ko kung itutuloy ko ang pag-ibig ko sa bf ko. Lagi lang daw akong mag-aalaga at paano naman ang aming kinabukasan.

Mas lalo ko siyang aalagaan dahil alam kong kailangan niya ako. Mahal ko siya, hindi dahil kailangan ko siya, kundi kailangan niya ako.

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang magduda kung talaga bang mahal ko siya. Sa pag-ibig, hindi naman ginagamit ang paa, kundi ang puso. Pwede ko naman siyang samahan habang tulak ko ang wheelchair niya.

Kaya po sa mga taong nanlalait sa bf kong may kapansanan, lalo na sa itinuturin kong mga kaibigan, sorry na lang sa mga payo ninyo, mas susundin ko ang binubulong ng puso ko. Maltratuhin na ninyo ako, pero hindi ako papayag na maltratuhin ninyo ang bf ko.

Naiiyak po ako kapag kinukumpara ang bf ko sa iba. Kahit hindi nila sinasabi, ito ang naramadaman ko.

Betty

Dear Betty,

Alam kong masakit sa kalooban mo ang mga naririnig mo na sinasabi ng ibang tao tungkol sa bf mo. Ibalanse mo rin ang mga sinasabi nila. Ang mga ito ba ay opinyon lang o totoong puna? Kung may nasabi sila na hindi maganda, tingnan mo kung dapat mo ba itong ikagalit o baka naman nagiging masyado mong pinuprotektahan ang bf mo. Mas lalong mahirap para sa kanya kung ipapakita mong mahina ka.

Kapag may narinig ka, ipasok mo lang sa kaliwang tenga at ilabas sa kanang tenga.  Hindi mo na dapat ipaliwanag ang iyong pagmamahal sa iba. Hindi lahat ay mauunawaan ka.

Tama naman ang nararamdaman mo, pero ingat lang baka maging sanhi ito ng iyong kalungkutan. Kung mayroon silang dapat matutuhan sa iyo, ‘yun ay hindi lahat ng mahalaga ay nakikita ng mata, kundi ng pusong nagmamahal.

Mas mainam mag-focus ka sa kung paano mo pa mapapasaya ang bf mo.

DR. LOVE

vuukle comment

BETTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with