^

Dr. Love

Balak magmadre

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo at sa marami mong followers sa kolum na Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Mona, 24 anyos at nagbabalak pumasok sa kumbento para maging madre.

Pero bago ko gawin ito, nais kong isangguni sa iyo kung tama ang gagawin kong pagmamadre. Likas naman akong relihiyosa simula pagkabata dahil lumaki ako sa isang konserbatibong pamilya. Tuwing Linggo ay hindi ako lumiliban ng pagsisimba.

Sa buong buhay ko, minsan lang ako nagkaroon ng boyfriend. Limang taon na sana kami ng kasintahan kong ito pero hindi ko sukat akalain na magsasalawahan siya. Sabi niya, napikot siya ng ibang babae kaya pinakasalan niya ito, dahil buntis na.

Siyempre nasaktan ako ng labis. Kahit hindi ko isinuko sa kanya ang pagkababae ko, masakit na mawala siya sa akin dahil mahal ko siya. Isinumpa ko na hindi na ako iibig kailan man. Siya na lang ang una at huling lalaki sa aking buhay.

Minsan sa aking pagdarasal, tila may na-ngusap sa puso ko at nagsasabing ilaan ko na lang ang sarili ko sa paglilingkod sa Diyos. Doon ko ipinasya na pumasok sa kumbento.

Pero baka dinaraya lang ako ng aking isip, kaya gusto kong mari-nig ang iyong opinyon. Tama ba ang gagawin kong pagmamadre?

Mona

Dear Mona,

Kung ang dahilan ng pagpasok mo sa kumbento ay ang kasawian sa pag-ibig, mali ang binabalak mo. Baka nga dinadaya ka lang ng iyong isip at dahil sa kabiguan mo ay pumasok sa isip mo na magmadre.

Kung ibig mong maglingkod sa Panginoon, dapat ito’y taos sa iyong puso at hindi lang bunsod ng pagtataksil sa iyo ng iyong kasintahan. Dahil kung magkaganyan, parang pinapasok mo lang ang pagmamadre dahil ibig mong pagtakpan o takasan ang iyong kasawian.

Lumalabas na hindi mo talaga prayoridad ang Diyos. Kaya paka-isipin mo ang iyong binabalak. Hindi naman kailangang ma-ging madre o pari ang isang tao para makapag-lingkod sa Diyos, kaya mag-move on ka na lang.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with