^

Dr. Love

Mood Swings

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bakit po kaya nag-iba ng ugali ang boyfriend ko na dating maalalahanin at very sweet? Ako po si Rica, 21 anyos. Bago pa magkaroon ng pandemic ay kasintahan ko na si Marco, isang pulis. Nang ligawan niya ako, lahat ng mabuting katangian na hanap ko sa lalaki ay nasa kanya na.

Puring-puri siya ng mga friends ko dahil isa siyang gentleman sa pag-uugali. Pero wala pang isang taon  ay lumabas na ang kanyang pagka-brusko. Lagi siyang nagmumura at mapaghanap ng away.

Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko na lang siya pinapansin. Pero minsan ay pinagbuhatan niya ako ng kamay. Sinampal niya ako nang minsang magkaroon kami ng argument sa maliit na bagay.

Pinatawad ko siya nang siya ay mag-sorry. Pero sinabihan ko siya na huwag na itong maulit dahil lalayuan ko na siya. Gayunman, kahit hindi na niya ako sinasaktan, mainitin pa rin ang ulo niya.

Nakita ko siya malapit sa aming bahay na may kasuntukan. Dahil hindi lang niya nagustuhan ang titig sa kanya ng lalaki, inaway na niya. Mahal ko siya pero parang gusto ko nang makipaghiwalay na sa kanya. Tama po ba ang gagawin ko?

Rica

Dear Rica,

Baka naman may itinatagong problema ang kasintahan mo, kaya nagkakaganoon siya. Ang tinatawag na mood swing ng tao ay puwedeng bunga ng problemang kanyang pinagdaraanan. Sinubukan mo na bang alamin ito?

Kasintahan mo siya at kung tatanungin mo kung may problema ba siya at aalukin mo siya ng tulungan, naniniwala ako na ia-appreciate niya ito. Bilang nagmamalasakit na kasintahan, maaari mo siyang pagsabihan na huwag maging mainitin ang ulo.

Ipaalala mo sa kanya ang mga panahon na una mo siyang nakilala bilang isang maginoo at magalang na tao.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with