^

Dr. Love

Tutol sa pag-aasawa ng kaisaisang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mayroon akong kaisaisang anak at sa kanya lamang umikot ang mundo ko. Mahal na mahal ko siya. Tawagin mo na lang akong Rita. Si Nico ay bunga ng pakikipagrelasyon ko sa lalaking aking minahal. Ang kaso, tutol sa boyfriend ko ang aking mga magulang kaya ‘di kami nagkatuluyan.

Pinaglayo kami ng aking parents kahit nagdalantao ako. Sa sama ng loob ay inatake sa puso ang ama ng aking anak at namatay. Nag-iisa akong nagpalaki sa aming anak sa tulong ng aking mga magulang hanggang makatapos ng college. Ngayon ay successful civil engineer na ang anak ko at siya lang ang nagbibigay ng inspiration at lakas sa akin.

Wala na rin pareho ang aking mga magulang, kaya sa akin iniwan ang kanilang negosyo pati na ang aming tahanan. Masaya ang buhay ko sa piling ng aking anak. Kamukhang kamukha siya ng kanyang ama. Kaso, nalungkot ako isang araw nang kausapin niya ako.

Nagpaalam sa akin si Nico na mag-aasawa na. Pero papaano na ako kung mag-aasawa siya? Natatakot akong mapag-isa.

Nangako naman siyang ‘di niya ako pababayaan. Isasama raw niya ako sa magiging tahanan nilang mag-asawa. Pero masakit pa rin ito para sa akin. Tanging si Nico ang alaala ng iniwan sa akin ng aking mahal na kasintahan.

Iniyakan ko si Nico dahil tutol ako na mag-asawa siya.

Pagpayuhan mo po ako.

Rita

Dear Rita,

Huwag kang magpadala sa iyong emosyon.  Ganyan  din ang naging situwasyon mo nang tutulan ng iyong mga parents ang relasyon mo sa iyong boyfriend. Dahil diyan, isang trahedya ang naganap nang mamatay sa sama ng loob ang kasintahan mo.

Igalang mo ang desisyon at  damdamin ng iyong anak na lumagay na sa tahimik. Isipin mo na lang na hindi ka nawalan, bagkus nadagdagan pa ng isa ang iyong anak sa katauhan ng iyong magiging manugang.

Hilingin mo sa anak mo na huwag na lang silang bubukod kundi manatili sila sa piling mo, tutal nag-iisa mo siyang anak na sa sandaling pumanaw ka ay siya rin namang magmamay-ari ng iyong maiiwang bahay.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with