^

Dr. Love

Naniguro para sa pamilya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung kelan namatay ang asawa ko, saka pa kami nagkaroon ng maayos na buhay. Nilihim niya na may nararamdaman siya, ang akala ko simpleng pagod at sakit na ulo lang ang kanyang nararamdaman nung araw na iyon.

Hikahos pero nakakaraos naman kami ng aking pamilya. Pareho kaming propessional ng mister ko at mula sa disenteng pamilya.

Masipag at marunong mag-ipon ang aking mister. Sa katunayan, may hinulugan siyang bahay na para sa aming mga anak.

Bukod sa pang-araw araw na gastusin, may mga loans din kaming binabayaran.

Isang senior high school at isang grade six ang aming anak. Hindi ko naisip na sa kabila ng paghahanda namin para sa kinabukasan ng amin mga anak, sa isang iglap lang nilisan na ako ng aking mister.

Naglaro pa siya ng basketball at nang magpahinaga, inatake na pala siya sa puso.

Naging maganda aming buhay dahil may insurance siyang na-claim ko. Natapos din ang paghuhulog ng aming bahay, dahil nasa kontrata na kapag namatay ang head of the family, wala na kaming babayaran.

Magkahalong lungkot at saya ang aking nadarama.Pinabilib ako ng aking mister. Marami siyang investment na napakikinabangan ko ngayon.

Sayang, bakit kailangan pang mawala siya bago pa naging mapayapa at sagana ang aming buhay. Nais kong pagtuunan na lamang ang pagtataguyod sa aming mga anak. Wala na akong balak na mag-asawa pang muli.

Angela

Dear Angela,

Talagang nakakabilib ang mister mo. Sana lahat ng head of the family, may pag-iisip na tulad niya. Inuna niya ang kapakanan ng kanyang pamilya.

Isang patunay lamang na mahal na mahal ka ng mister mo.

Isang inspirasyon ito, lalo na sa mga bagong mag-asawa. Huwag panay sarap buhay lang, matuto rin tayong mag-ipon at paghandaan ang kinabukasan.

DR. LOVE

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with