^

Dr. Love

Nagkasakit dahil matigas ang ulo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Si Adela ito ng Parañaque. Wala namang na-covid sa amin. Kaso ang mister ko, walang tigil sa kakain ng mga laman-loob ng baboy. Sinabihan ko na siya, pero matigas ang ulo.

Hayun, nito lang na pina-check up ko siya sa ospital, may sakit siya sa atay, hepatitis. Eto pa, ayaw niyang magpa-admit kasi baka covid daw ang ideklarang sakit  niya, imbes na gumaling siya ay mamatay siya sa takot. 58 years old na ang mister ko. Malapit na siyang mag-senior citizen. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal, ‘yun ang gusto kong masolusyonan.

Adela

Dear Adela,

Kailangan talaga na pagsabihan mo ang iyong mister. Huwag mo siya tantanan ng paalala. Kahit nga bata pa ay nadadale ng sakit sa atay.

Huwag kang pumayag na hindi siya magamot ng maayos. Uulitin ko lang na ang kasulugan ay isang kayaman.

Kung pabaya ka ay mayroon kang patutunguhan.

DR. LOVE

Dear Lagring,

Ipasok mo sa rehab ang iyong dalawang anak. Hangga’t alipin sila ng droga, wala sa katinuan ang kanilang isip at gagawa sila ng mga bagay na hindi nararapat gawin.

Ang pagtatalik nila ay incestuous o ugna-yang seksuwal ng magkadugo, at posibleng magkasupling sila ng may kapansanan.

Gawin mo ang payo ko bago nila sapitin ang posibilidad ng isang malagim na kamatayan sa kamay ng mga drug operatives. Sa ngayon, hindi mo sila kayang suwayin o pangaralan dahil winasak ng droga ang kanilang isip.

Humingi ka ng tulong sa inyong barangay o social workers, kung sakaling magmatigas silang huwag magpa-rehab.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with