^

PM Sports

Lina lumundag sa Red Lions

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpaalam na si Bismarck Lina sa University of the Philippines dahil tutulak na ito sa panibagong daan na tatahakin nito kasama ang San Beda University sa NCAA men’s basketball tournament.

Mismong si Lina na ang nagpahayag ng pag­lipat nito sa Red Lions kung saan sasailalim ito sa isang taong residency bago tuluyang makasama ang Mendiola-based squad sa Season 100 ng liga.

Malaki ang pasasalamat ni Lina sa mainit na pagtanggap ng San Beda sa kanya.

“Thankful ako dahil welcome ako sa kanila,” ani Lina.

Umaasa si Lina na mas lalo pang mahuhubog ang talento nito sa San Beda lalo pa’t maganda ang prog­rama ng unibersidad sa basketball.

Nagpasalamat ito sa pamunuan ng Fighting Maroons, sa coaching staff nito at sa kanyang mga na­ging teammates sa naging magandang karanasan nito habang naglalaro ito sa UP.

Itinuturing nitong isang pamilya ang UP kaya’t malaki ang tatanawin nitong utang na loob sa unibersidad.

Dalawang seasons itong naglaro sa UP.

Noong Season 84, nagtala lamang ito ng dala­wang puntos at 11 rebounds sa buong panahon ng liga.

Sinundan ito ng apat na puntos at 14 rebounds noong Season 85.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with