^

Bansa

70 kaso pa ng Omicron subvariants, natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
70 kaso pa ng Omicron subvariants, natukoy
Railway personnel check coronavirus vaccination cards of passengers boarding a train at a station in Quezon City.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng COVID Omicron nang madagdagan pa ng 70 bagong kaso ng BA.4, BA.5 at BA2.12.1 subvariants, ayon sa Department of Health.

Sa naturang bilang, 43 ang BA.5 cases, kabilang ang 42 local cases at isang returning overseas Filipino (ROF).

Lima sa mga bagong kaso ang mula sa Region 1; pito sa Region 4-A; tig-isa sa Regions 4-B, 5, 7, 8, 10 at Cordillera Autonomous Region, dalawa sa Region VI, at 21 sa National Capital Region (NCR).

May pito ring bagong BA.4 cases ang natukoy na pawang local cases. Dito ay anim sa Region 5 at isa sa NCR.

Nakapagtala rin ng 20 BA.2.12.1 cases.

May kabuuang 190 kaso ng Omicron variant of concern ang naitala sa whole genome sequen-cing run na isinagawa mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Bunsod ng mga naturang bagong kaso, ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong Omicron cases sa buong bansa ay nasa 7,919 na.

Kinalma naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko nang sabihin na wala silang naitalang namatay sa mga kaso ng Omicron sub-variants.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with