^

Bansa

COVID-19 positivity rate umakyat sa 6.8%

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas pa sa 6.8% ang weekly COVID-19 positivity rate ng buong Pilipinas ngunit nananatili pa rin ang bansa sa low risk classification.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na na-test sa sakit.

Base sa COVID-19 national situationer na inilabas ng Department of Health nitong Martes hanggang noong Hulyo 3, ang Natio-nal Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na weekly positivity rate na pumalo sa 9.3%.

Ang iba pang rehiyon na lumampas na rin sa 5% benchmark ng World Health Organization (WHO) ay ang Calabarzon na may 8.4%, Western Visayas (7.1%), Mimaropa (6.4%), Cordillera Admi-nistrative Region (5.5%), at Central Luzon (5.4%).

Mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 4, naitala ang average case sa bansa sa 1,103 kaso kada araw.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na ang Pilipinas at ang lahat ng rehiyon nito ay nananatiling nasa low risk case classification pa rin sa COVID-19.

Nasa low risk din ang healthcare utilization rates sa lahat ng rehiyon, habang ang “severe & critical admissions” ay nananatili sa “less than 1%” ng total hospital admissions.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with