^

Bansa

Full capacity na sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Papayagan na ang ‘full capacity’ sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 25.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, nasa 1, 200 katao ang maaring payagang makapasok sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso kabilang ang 300 kongresista, 24 senador at mga miyembro ng diplomatic corps.

Sa hanay ng mga reporter na nagko-cover sa Kamara ?ay 30 lang ang slot  na pahihintulutan makapasok sa loob ng session hall habang ang iba pa ay sa holding area magmomonitor ng live streaming.

Ilang oras bago ang SONA ni PBBM ay pormal na magbubukas ang 19th Congress kung saan iluluklok sa puwesto si incoming House Speaker Martin Romualdez (1st District Leyte).

Ang Kamara at Senado ay magsasanib upang pormal na buksan ang 19th Congress.

Sa nakalipas na mga SONA noong 2020 at 2021 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay idinaos ang hybrid SONA kung saan limitado lamang ang pisikal na pinahintulutan sa loob ng plenaryo ng Batasan Complex habang ang iba pang mga Kongresista at VIPs ay via zoom dulot ng mataas na kaso ng COVID.

Ipatutupad rin ang mahigpit na seguridad sa labas at loob ng Batasan Pambansa kung saan tanging may mga QR Code lamang ang makakapasok sa loob upang maiwasang malusutan ng anti-Marcos rallyists.

Dahil nagpapatuloy pa ang pandemya ay ipatutupad pa rin ang healthy at safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at paglalagay ng sanitizer sa kamay.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with