^

Bansa

Pangulong Marcos, Chinese Foreign Minister magpupulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, Chinese Foreign Minister magpupulong
President “Bongbong” Marcos Jr. held a press briefing at the Heroes Hall in the Malacañang after his first-ever Cabinet meeting on Tuesday.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makikipagpulong siya kay Chinese Foreign Minister Wang Yi.Sinabi ni Marcos na nakatitiyak siya na ang agenda sa gagawing pag-uusap ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at China at paghahanap ng paraan kung papaano matatapos ang iringan.

“Yes I will meet with him and the agenda I’m sure will be to strengthen ties with China and the Philippines and of course, to find ways to resolve the conflicts that we have,” anunsiyo nng Pangulo sa kanyang unang press briefing.

Sinabi ni Marcos na matagal na niyang iginigiit na hindi lamang dapat ituon sa isyu ng West Philippine Sea ang pag-uusap kundi sa iba pang bagay.

Inihalimbawa niya ang mga cultural exchanges, educational exchanges at pati ng militar kung magi­ging kapaki-pakinabang.

Naniniwala si Marcos na ang mga nabanggit niya ay makakatulong sa pagresolba ng isyu.

Sa huli ay muling inulit ni Marcos na magiging normal ang relasyon ng Pilipinas at ng China kung hindi lang nakatuon sa West Philippine Sea ang pag-uusap.

“Huwag lang ‘yung West Philippine Sea ang pinag-uusapan ng China at saka Pilipinas. Let’s do other things too. In that way, it will normalize our relationship,” ani Marcos.

Related video:

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with