^

Bansa

Hawaan sa COVID-19, umakyat sa 1.5

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hawaan sa COVID-19, umakyat sa 1.5
Residents splash and spray water over pedestrians as they take part in celebrations of their patron saint, John the Baptist, in San Juan City, Metro Manila, on June 24, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 1.5 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso, ayon sa OCTA Research Group kahapon.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring mahawa ng isang pasyente ng COVID-19.  Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng mabagal na hawahan ng virus.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na ni-recalibrate nila ang reproduction number sa NCR at iba pang lugar, kaya’t bahagya itong bumaba sa 1.5 mula sa dating 1.6.

Iniulat din naman ng OCTA na ang NCR at ma­ging ang Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Pampanga, Benguet, at Western Visayas ay nakikitaan din ng bahagyang pagdami ng mga bagong kaso ng sakit.

Umaasa naman si David na ang peak ng mga kaso ay makikita na sa susunod na isa hanggang dalawang linggo upang magkaroon na ng downward trend. Nilinaw niya na projection lamang ang kanilang nakikita at maaari pang mabago.

Samantala, iniulat din naman ni David na ang positivity rate sa NCR ay umakyat na sa 8.3% mula sa dating 7.5% lamang noong Hunyo 29.

Sa kabila nito, nananatiling mababa ang healthcare utilization sa rehiyon habang ang average daily attack rate ay naitala naman sa 3.6.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with