Biden inimbitahan si Marcos sa White House
MANILA, Philippines — Inimbitahan umano ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. na bumisita sa Washington.
Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez kahapon.
Wala pa namang pinal na eksaktong schedule na itinakda sa pagtungo ni Marcos sa Estados Unidos.
Kinumpirma rin ni Romualdez na ang imbitasyon ay personal na inabot kay Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff.
Si Emhoff ang nanguna sa presidential delegation na ipinadala ni Biden para dumalo sa inagurasyon ni Marcos noong Hunyo 30 sa National Museum of Fine Arts sa Maynila.
Wala pa namang pahayag ang kampo ni Marcos tungkol dito.
- Latest