^

Bansa

Divorce bill muling inihain sa Kamara

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Divorce bill muling inihain sa Kamara
Ayon kay Lagman, muli niyang isinumite ang House Bill No. 78 sa 19th Congress sa pag-asang makawala ang mga housewife mula sa mapang- abuso at pahirap na pagsasama.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Albay Rep. Edcel Lagman nitong Linggo na inihain niyang muli ang panukala legalisasyon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay Lagman, muli niyang isinumite ang House Bill No. 78 sa 19th Congress sa pag-asang makawala ang mga housewife mula sa mapang- abuso at pahirap na pagsasama.

Aniya ang panukala sa absolute divorce ay akmang “apt sequel” sa Reproductive Health Act, na kanya ring inakda.

Sinabi ni Lagman na makatutulong ang dalawang panukala sa mga kababaihan upang maging legal ang kanilang pakikipaghiwalay at pag-aalaga sa sarili.

Matatandaang nakapagpasa na rin ng parehong panukala sa huling pagbasa sa Kamara sa 17th Congress, subalit hindi ito nakalusot sa Kamara.

Inaprubahan naman sa 18th Congress ang parehong divorce bill ng Committee on Population and Family Relations.

Ang Pilipinas ang tanging bansa sa mundo bukod sa Vatican na walang divorce law.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with