^

Bansa

Voter registration sa Barangay, SK larga na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Voter registration sa Barangay, SK larga na
People camp out along the walkway surrounding the Ali Mall in Quezon City as they wait for the opening of Comelec's satellite voter registration booth on Monday midnight, Sept. 27, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos muli ng voter registration na uumpisahan ngayong Lunes at magtatapos ng Hulyo 23.

Inanyayahan ni election spokesperson Atty. John Rex Lau­diangco ang mga magiging bagong botante at sa mga nais ibalik ang kanilang rehistro na magtungo sa mga tanggapan ng Comelec ng Lunes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kabilang ang mga holidays.

Sinabi ni Laudiangco na target nila ang mga bagong botante para sa darating na Sangguniang Kabataan (SK) election.

“Ito ‘yung mga magiging 15 years o 15 years old to 17 years old... Kung hindi pa 15 pero magfi-15 [years old] by December 5, 2022, pwede nang magparehistro,” ayon kay Laudiangco.

Ang mga kuwalipikado naman na mag-aplay para sa pagboto sa regular elections kabilang ang barangay elections ay ang mga magiging 18-anyos pagsapit ng Disyembre 5.

Gaganapin ang barangay at SK elections sa darating na Disyembre 5, 2022.  Ito ay sa kabila ng mga panawagan na suspindihin ang mga ito upang makati­pid umano sa pondo ang pamahalaan.

“Nakasaad sa batas na kailangan isagawa ang Barangay at SK elections sa December 5... Hangga’t walang batas para ‘wag itong ituloy, tuloy ang paghahanda ng Comelec,” giit ni Laudiangco.

Maaari naman na mag-aplay muli ang mga natanggal sa vo­ters list sa pamamagitan ng online.  Mag-uumpisa ito ng Hulyo 4 hanggang 19.

vuukle comment

COMELEC

VOTER REGISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with