Dating nurse, mga security ng ama binigyang pugay ni Marcos
zMANILA, Philippines — Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating presidential nurse at mga dating security officers ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ang seremonya na ginanap sa Malacañang Palace Grounds ay tinawag na “a walk of closure.”
Kinilala ni Marcos sina Lt. Col. Fe Castro na nagsilbing presidential nurse ni Marcos Sr. at mga dating security escort officers na sina Capt. Mervyn Espadero, Lt. Col. Delmar Magno, at 1st Lt. Menandro Espineli.
Si Magno ay mula sa Office of the Senior Aide-de-Camp na nagsilbing presidential nurse ni dating first lady Imelda Marcos.
Si Espineli naman ay ang security officer noon ng presidential sister na si Irene Marcos-Araneta.
Ayon sa pahayag ng Radio Television Malacañang (RTVM), ang mga dating security officers ay nagbigay ng kanilang huling pagpupugay sa pamamagitan ng makabuluhang seremonya.
- Latest