^

Bansa

Inagurasyon ng OFW Hospital, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinaluhan ni Senate committee on health and demography, Senator Christopher “Bong” Go ang inagurasyon ng unang Overseas Filipino Workers Hospital sa bansa sa San Fernando City, Pampanga.

Tulad ng sinabi niya na marami sa mga migranteng manggagawang Pilipino ang nalantad sa mga pagtatrabaho na naglalagay sa kanila sa panganib, tiniyak ni Go na nananatili siyang nakatutok sa pagsusulong ng higit pang mga hakbang na magpoprotekta at magtataguyod ng kanilang kagalingan.

“Ngayon, nasasaksihan natin ang inagurasyon ng OFW Hospital na magiging isa sa mga legacies ng Duterte administration na maggagarantiya ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan sa ating mga modernong bayani – ang ating mga overseas Filipino workers,” ani Go sa kanyang video message.

“Ang OFW Hospital ay isang natupad na pangako na nagsisilbing patunay kung gaano namin pinahahalagahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sakripisyo at kontribusyon ng ating mga minamahal na OFWs,” patuloy niya.

Samantala, bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na matiyak na matutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga migranteng manggagawa, ipinaglaban ng mambabatas ang Republic Act No. 11641 na lumikha ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ang DMW ay isang ahensya na pangunahing tutuon sa proteksyon, pagtataguyod ng mga interes, napapanahong paglutas ng mga problema, at epektibong reintegrasyon ng mga migranteng manggagawang Pilipino.

Pinuri ni Go ang lahat ng mga nag-ambag sa pagtatatag ng ospital, kabilang ang Department of Labor and Employment, Department of Health, Overseas Workers Welfare Administration, at BCFI.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with