^

Bansa

P50K entry salary sa mga nurse, hirit kay Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P50K entry salary sa mga nurse, hirit kay Pangulong Marcos
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ng pangulo ng FNU na si Maristela Abenojar na magpapakita ang kanilang grupo ng 10-puntong agenda ng mga nars sa bagong administrasyon kabilang rito ang pagtataas ng sahod ng mga nurses.
STARBoy Santos, file

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ng Filipino Nurses United si ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na taasan ang sahod ng mga nurse at gawing P50,000 kada buwan ang entry salary.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ng pangulo ng FNU na si Maristela Abenojar na magpapakita ang kanilang grupo ng 10-puntong agenda ng mga nars sa bagong administrasyon kabilang rito ang pagtataas ng sahod ng mga nurses.

Sa kanyang unang talumpati bilang Pangulo ng bansa, nabanggit ni Marcos ang isyu ng mga nurse na bagaman at pinakamagaling sa buong mundo ay nababalewala naman sa Pilipinas kaya marami ang napipilitang umalis ng bansa.

Ayon kay Abenojar, nasa pagitan lamang ng P8,000 hanggang P20,000 ang sahod ng mga nurse kada buwan sa mga pribadong ospital.

Sa mga pampublikong ospital naman, ang ilang mga nars ay tumatanggap ng P35,000 buwan-buwan sa ilalim ng Salary Grade 15.

Pero marami pa rin aniyang mga nurse sa mga pampublikong ospital ang hindi nakakakuha ng nasabing halaga dahil nasa 50,000 sa kanila ay mga kontraktwal na manggagawa.

Nasa 316,000 sa 917,000 Filipino nurses na aniya ang piniling magtrabaho sa labas ng bansa para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng krisis sa ekonomiya.

vuukle comment

NURSE

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with