^

Bansa

P10K ayuda bill itinulak na sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P10K ayuda bill itinulak na sa Senado
Sinabi ni Cayetano na ang pagbibigay ng P10,000 na direktang tulong sa bawat pamilyang Filipino ay isang ‘legislative proposal’ na dapat aksyunan agad ng Senado, Kamara at Malakanyang.
STAR / Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Para mapabilis ang pag-apruba, kaagad na ihahain ni Sen. Alan Peter Cayetano ang panukalang P10,000 ayuda para sa mga pamilyang Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Cayetano na ang pagbibigay ng P10,000 na direktang tulong sa bawat pamilyang Filipino ay isang ‘legislative proposal’ na dapat aksyunan agad ng Senado, Kamara at Malakanyang.

Ang P10,000 ayuda bill ay isinusulong ni Cayetano noong siya pa ang kongresista ng Taguig, subalit nabigo itong isama sa Bayanihan 3 COVID-19 aid package.

Hinikayat din niya si Taguig-Pateros Rep. Ricardo Cruz at Maria Amparo Zamora na ihain ang panukala sa Kamara bilang counterpart nito.

Ang House bill 8597 ay inihain noong Pebrero 2021 kung saan nakasaad na mabigyan ang bawat pamilyang Filipino ng P10,000 para pambili ng mga pangunahing bilihin, pambayad sa mga bayarin sa gitna ng pandemic o pangsimula ng maliit na negosyo upang mabuhay muli ang mga nagsaradong negosyo dahil sa mga lockdown.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with