^

Bansa

Entry salary ng nurses gawing P50K/buwan — grupo

Philstar.com
Entry salary ng nurses gawing P50K/buwan � grupo
In this April 2020 photo, medical workers are seen screening patients for possible COVID-19 before admission at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) in Quezon City
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hinimok ng Filipino Nurses United (FNU) si newly sworn-in President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas ang entry salary ng mga nars at gawin itong P50,000 kada buwan.

"Top most po doon sa 10 na laman ng agenda ay itaas ang sahod ng nurses sa mga pampubliko at pampribado. [G]awin po itong P50,000 a month. 'Yan po yung entry salary,” wika ni FNU president Maristela Abenojar sa isang panayam, Biyernes.

Kaugnay nito, magpipresenta aniya ang kanilang grupo ng "10-point nurses’ agenda" sa bagong administrasyon.

Sambit niya, ang ibang nurse kasi ay tumatanggap lang ng P8,000 hanggang P10,000 sweldo kada buwan na siyang hindi sapat kung ikukumpara sa kasalukuyang inflation at living wage sa bansa.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Abenojar na 71% pa sa manggagawang medikal ang hindi pa natatanggap ang kanilang One COVID allowance. Aniya, maging ang special risk allowance ay hindi pa rin naipamimigay sa ibang benepisyaryo mula sa mga pribadong opsital na silang dapat nakuha na noong nakaraang taon pa.

Samantala, tiniyak ni PBBM na aayusin ng kanyang administrasyon ang mga pagkukulang sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.

"There were shortcomings in the COVID response. We will fix them out in the open. No more secrets in public health,” sambit niya kahapon sa kanyang inaugural speech sa National Museum, Manila.

"Remember, I speak from experience. I was among the first to get COVID. It was not a walk in the park,” pagpapatuloy niya. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles, may ulat mula sa GMA News Online

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

COVID-19

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with