^

Bansa

Pangulong Marcos sinalubong ni outgoing Pres. Duterte sa Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sinalubong ni outgoing Pres. Duterte sa Malacañang
Outgoing President Rodrigo Duterte and incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. during the departure honor and traditional courtesy call at the Malacañang Palace on Thursday, June 30, 2022.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Personal na sinalubong ni outgoing President Rodrigo Duterte si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang makarating ito sa Palasyo ng Malakanyang para mag-courtesy call sa kaniya.

Ito ay bago ang pormal na panunumpa ni Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas na idinaos sa National Museum.

Sa pagdating ni BBM ay agad na lumagda ito sa guestbook ni Pangulong Duterte bilang kaniyang pinakahuling panauhin sa Malakanyang.

Pagtapos nito ay nagkaroon ng maikling pagpupulong ang dalawang Pangulo at saka naman hinandugan ng departure honors si Duterte sa pangunguna ng Presidential Security Group (PSG) na sinaksihan ng mga opisyal ng kaniyang gabinete.

Samantala, hindi naman na dumalo pa sa seremonya ng inagurasyon ni PBBM si Duterte na agad lumipad patungo sa Davao City.

Habang si incoming President Marcos naman ay dumiretso na agad patungo sa National Museum of Fine Arts kung saan ginanap ang kaniyang oath-taking bilang bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas.

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with