Food security prayoridad ni Marcos
MANILA, Philippines — Prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang food security ng bansa sa gitna nang pandaigdigang krisis sa pagkain.
Sa kanyang inaugural address, sinabi ni Marcos na dapat pagtuunan ng pansin ang “self-sufficiency” na ipinangako na rin ng mga nagdaang administrasyon pero hindi natutupad.
“Food self-sufficiency has been the promise of every administration, none but one delivered,” ani Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na ang pagkain ay hindi lamang bahagi ng kalakalan dahil kung wala ito, ang mga tao ay humihina at namamatay.
“Food is not just a trade commodity. Without it, people weaken and die. Societies come apart. It is more than a livelihood, it is an existential imperative and a moral one,” ani Marcos sa kanyang inaugural address.
Mahalaga aniya ang papel ng agrikultura na dapat pagtuunan ng pansin.
Matatandaan na itinalaga ni Marcos ang sarili bilang kalihim ng Department of Agriculture bago pa ang kanyang inagurasyon.
- Latest