^

Bansa

Duterte napanatili ang mataas na approval ratings

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte napanatili ang mataas na approval ratings
Outgoing President Duterte arrived at the Quirino Grandstand in Manila for the "Salamat PRRD" thanksgiving concert last Sunday.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanatiling mataas ang approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong panahon ng kanyang termino, ayon sa Pulse Asia.

Base sa pinakahuling approval rating ni Duterte noong Marso 2022, umabot ito sa 73%. Tumaas sa nasabing buwan ang approval rating ng pangulo mula sa kanyang pinakamababang rating na 64% noong Setyembre 2021—ang tanging pagkakataon na hindi umabot sa 70 ang kanyang approval rating.

Makikita rin na halos hindi nabawasan ang kasikatan ni Duterte sa kanyang anim na taon bilang Presidente.

Ang kanyang pinakamababang rating ay masasabing mas mataas pa rin kumpara sa mga nauna sa kanyang pangulo ng bansa.

Sa pinakahuling survey, nakakuha si Duterte ng pinakamataas na pag-apruba sa Mindanao (89%), na sinundan ng National Capital Region (74%), Balance Luzon (70%) at Visayas (61%).

Base  sa income class, si Duterte ang pinakamataas sa ABC, 77; Class D, 73% at Class E, 72%.

Naitala ni Duterte ang kanyang pinakamataas na approval rating na 91% dalawang beses, noong Setyembre at Nobyembre 2020, sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at wala pang naibibigay na bakuna sa publiko laban sa COVID.

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with