^

Bansa

Rappler tuluyang ipinasara ng SEC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang desisyon nitong 2018 na iutos ang pagsasara ng Rappler Inc., ayon mismo sa CEO at founder ng nasabing news organization na si Maria Ressa.

Sa isang pahayag na ginawa sa East West Center conference nitong Martes, sinabi ni Ressa na ang SEC ang nagdesisyon na bawiin ang mga certificate of incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation (RHC).

Ani Ressa, aapela sila sa nasabing desisyon dahil iregular umano ang nasabing proceedings.

“What does this mean? We have existing legal remedies all the way up to the highest court of the land. It is business as usual for us since in our view, this is not ­immediately executory without court approval,” ang sulat ni Ressa na inanunsyo sa Rappler staff.

Si Ressa ay nakaranas ng matinding legal battle sa mga nakaraang taon at sinabi niyang siya ay target dahil sa mga kritikal na ulat ng kanyang site sa balita hinggil sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Enero 2018, binawi ng Philippine SEC ang rehistrasyon ng Rappler dahil sa umano’y paglabag sa foreign ownership rules. Nagpatuloy pa ang operasyon ng Rappler sa kabila ng revocation.

Inakusahan ng SEC na ang pangunahing kumpanya ng Rappler ay “intentionally created an elaborate scheme” upang pagtakpan ang investment ng dayuhang source,  na “mass media entity” na nagbebenta ng kontrol sa mga dayuhan.

Alinsunod sa Saligang batas, hindi pinapayagan ang anumang kumpanya ng mass media sa Pilipinas na pag-aari ng banyaga.

vuukle comment

SEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with