Booster sa 12-17 anyos, larga na uli
MANILA, Philippines — Lalarga na muli ang bakunahan ng booster shot sa “adolescent group” o iyong nasa 12-17 taong gulang na mga bata makaraang magbigay na ng suportado dito ang Health Technology Assessment Council (HTAC), ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.
“The HTAC reaffirmed its support for the efficient and effective implementation of the COVID-19 vaccination program for all adolescents, to achieve high coverage and protection,” ayon DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Unang hinarang ng HTAC ang implementasyon ng adolescent booster vaccination dahil sa hiling na kailangang mabakunahan muna ng booster shot ang 40% ng populasyon ng senior citizen. Nakipagdayalogo dito ang National Vaccination Operations Center (NVOC) dahil sa mababang resulta ng booster vaccination.
Gagamitin ng NVOC ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine na tanging nabigyan ng emergency use authorization (EUA) para sa mga bata.
Wala pa namang eksaktong petsa kung kailan uumpisahan ang booster vaccination sa adolescent dahil sa hinihintay pa ang ilalabas na panuntunan ng NVOC.
- Latest