^

Bansa

COVID-19 daily cases aabot sa 22K

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 daily cases aabot sa 22K
People queue for free packed meals distributed by Catholic religious order Society of the Divine Word (SVD) in Manila on June 24, 2022.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — May posibilidad na umabot sa 22,187 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Hulyo kung magpapatuloy ang trend sa pagtaas nito at pagbaba naman sa pagsunod ng mga Pilipino sa ‘minimum public health standards’.

Ayon sa Department of Health sa projection ng FASSTER, sa Hulyo 31 ay maaaring umabot sa 12,451 (lower bound), 17,105 (baseline) at 22,187 (upper bound) ang arawang kaso ng COVID.

Sa pagsapit ng Hulyo 15, maaaring umabot sa 3,287 (lower bound), 4,606 (baseline) at 5,362 (upper bound) ang mga arawang kaso.

Sa National Capital Region (NCR), kung mag-­uum­pisa na ang mga klase sa mga paaralan sa Agosto, inaasahang aakyat ang bilang ng mga kaso mula kalagitnaan ng Hulyo at magpi-peak sa kalagitnaan ng Setyembre.

Ngunit mananatili pa rin umano ito na mas mababa kumpara sa Omicron peak noong Enero kung wala nang bagong “variants of concern” ang susulpot.

Isinagawa ang mga projections base sa pagpapalagay na lalo pang tataas ang galaw ng publiko, mas bababa pa ang pagsunod sa MPHS, at kung patuloy na magiging mababa ang pagpapabakuna ng booster shot.

Nitong Hunyo 26, nakapagtala lamang ng 848 bagong kaso sa buong bansa. Mula Hunyo 20-26, nakapagtala ng 4,634 o average na 662 kada araw.

Sa kabila ng inaasahang mga pagtataas, mananatili namang mababa umano ang healthcare utilization kaya hinikayat pa ng DOH ang publiko na magpa-booster na upang madugtungan ang bisa ng primary series ng bakuna.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with