^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas posibleng lumobo sa 5,300/araw sa Hulyo

Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas posibleng lumobo sa 5,300/araw sa Hulyo
Residents of San Juan City participated in this year's Wattah Wattah Festival on Friday, June 24, 2022. This tradition is held yearly to celebrate the feast of St. John the Baptist.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Lalong tumataas ang projections ng mga dalubhasa sa maaaring bilang ng tamaan ng COVID-19 araw-araw sa buong Pilipinas sa susunod na buwan — ito'y kung mananatiling mababa ang nagpapa-booster shots at kumokonti ang sumusunod sa minimum public health standards.

Ito ang sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, sa mga reporters habang ibinabahagi ang panibagong projections ng FASSTER.

"[If] mobility continues to increase, compliance to [minimum public health standards] continues to reduce (20-22% reduction) and booster uptake is maintained at this low level, we MAY see 3,800 to 5,300 daily cases nationally by mid-July," wika ni Vergeire kanina.

Mas malaki ito 'di hamak kumpara sa 1,500 hanggang 2,000 daily new cases ng COVID-19 na unang iprinoject ng Australian Tuberculosis Modelling Network (AuTuMN) para sa Metro Manila sa pagtatapos ng Hulyo.

Aabot pa lang sa 14.86 milyon ang nagpapaturok ng booster doses sa Pilipinas. Ito'y kahit na 70.27 milyon na ang nakakukuha ng kumpletong primary doses.

Bagama't nasa Alert Level 1 ang Metro Manila, kung saan pinakamaluwag at pinapayagan ang 100% capacity ng mga establishment, dahan-dahan na uli tumataas ang kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang linggo.

Lunes lang nang ibalita ng Department of Health na umabot sa 4,634 ang bagong COVID-19 sa nagdaang linggo. Mas mataas ito ng 53% kumpara sa linggo bago ito.

Aabot na sa 3.7 milyon ang tinatamaan ng naturang virus simula nang nakapasok ito ng Pilipinas simula nang nakapasok ito noong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang namatay na ang 60,518. — James Relativo

vuukle comment

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with