^

Bansa

Batas sa mga mister na under de saya, binubugbog ni misis, isusulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang batas para sa mga inaaping kalalakihan lalo na ang mga mister na andres de saya na nga ay nakakaranas pa ng matinding pambubugbog sa kamay ng kanilang mga misis ang nakatakdang ihain sa pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo.

Ayon kay PBA Partylist Rep. Margarita “Migs“ Nograles, nais niyang bigyang boses ang mga ginu­gulping mister laban sa mapang-api nitong misis.

Anya, kakatwa na ang mga istorya ng isang mister na ginugulpi ng kanilang mga misis pero totoo itong nangyayari sa nagbabagong panahon kung saan ilan sa mga insidente ay na-telebisyon pa at nag-viral mismo sa social media.

Masasaklaw rin nito ang mga lalaking ginugulpi naman ng kanilang mga nobya.

Inihayag ni Nograles na sa kaniyang pagiging abogado ay marami siyang mga nakaengkuwentrong mga lalaki na nais magreklamo pero wala silang makitang paraan dahilan sa walang batas na nagpaparusa laban dito.

Sinabi ni Nograles, itutulak niya ang pag-aam­yenda sa Violence Against Womens (VAWs) Law na gagawing domestic abuse para sa lahat ng kasarian maging babae man o lalaki ng nakaranas ng pang-aabusong pisikal, seksuwal at iba pa.

Lumilitaw sa kasalukuyang umiiral na Violence Against Women and Children na nawawalan ng pagkakataon o walang karapatan ang mga lalaking nakakaranas ng kalupitan mula sa kababaihan kabilang ang mga bungangera at nanggugulping mga misis.

Binigyang diin ng Kongresista na sa mga kaso ng pang-aabuso ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan sa batas ang mga kababaihan at kalalakihan.

 

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with