^

Bansa

Press freedom, media task force ituloy – NPC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Press freedom, media task force ituloy � NPC
File photo taken during a rally calling for press freedom.
The STAR / Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Nanawagan si National Press Club (NPC) President Lydia Bueno sa bagong Administrasyong Marcos na palakasin ang press freedom at patuloy na suportahan ang paninilbihan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Naniniwala ang NPC na ang patuloy ng operasyon ng PTFoMS ay magpapatunay na pinalalakas ng bagong Administrasyong Marcos ang pangako nito sa media para sa malayang pamamahayag.

Aniya, ang pagpapanatili ng PTFoMS ay isang malakas na mensahe na pinahahalagahan ng gobyerno ang malaya at responsableng pamamahayag sa bansa, na sinimulan pa ng Administrasyong Duterte.

Inihahayag din sa Special Resolution No. 1, Series of 2022, na binibigyang pansin ng NPC ang pagkakatatag ng PTFoMS’ ni Pangulong Duterte under Administrative Order No. 1 noong October 2016.

Iminungkahi ng NPC kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., na gawing commission for media security (PCOMS) ang PTFoMs sa pamamagitan ng Executive Order upang mapalawak ang kakayahan nitong panga­lagaan ang kapakanan ng media sector.

vuukle comment

NPC

PRESS FREEDOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with