^

Bansa

Malacañang ipinapaubaya sa Marcos government ang pagpapataw ng mga bagong buwis

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang ipinapaubaya sa Marcos government ang pagpapataw ng mga bagong buwis
Malacañan Palace, the official residence of the president of the Philippines, as seen from the Pasig River.
Gov.ph

MANILA, Philippines — Ipinapaubaya ng Malacañang sa susunod na administrasyon at economic team ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapataw ng bagong buwis.

Ang nasabing hakbang ay isinulong ng Department of Finance kung saan nais ipagpaliban ang mga personal income tax reductions at pinatatanggal ang ilang tax exemptions para makalikom ng pondo ang gobyerno para ipambayad sa utang ng bansa.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na ang nasabing mungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ay dapat pagpasyahan ng susunod na gobyerno.

Layunin ng plano ng DOF na matiyak na epek­tibong matutugunan ang kakulangan sa budget habang napopondohan ang mga imprastruktura, edukasyon, healthcare at ekonomiya.

Kaugnay nito, pag-aaralan ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor at inco­ming Finance Secretary Banjamin Diokno ang mga bagong panukala sa pagpapatupad ng mga bagong buwis.

Sinabi ni Diokno na ang mga panukala ay mula sa papaalis na administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil sa naiwang utang na P3.2 trilyon na ginamit sa COVID-19 pandemic response. Kailangan umano na makalikom ang bagong administrasyon ng P249 bilyong dagdag kita para maipambayad sa natu­rang utang sa susunod na 10 taon.

Nabatid na umakyat na sa P12.68 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan nitong Marso.

Positibo naman si Diok­no na magkakaroon ng ‘sustainability’ sa pagbabayad ng utang.

vuukle comment

BUWIS

FERDINAND MARCOS JR.

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with