^

Bansa

Canvassing ng Pres., VP tatapusin hanggang Huwebes ng umaga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Canvassing ng Pres., VP tatapusin hanggang Huwebes ng umaga
Dumating kahapon sa House of Representatives ang mga ballot boxes na galing sa Senado na naglalaman ng Certificate of Canvass (COCs) and Election Returns (ERs) para sa President at Vice President. Magko-convene ngayon ang dalawang kapulungan ng Kongreso para simulan ang pagbibilang ng boto ng dalawang pinakamataas na posisyon sa katatapos na halalan sa bansa.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Walang tulugan o 24/7 ang isasagawang canvassing ng Kongreso sa boto para sa Presidente at Bise Presidente na target tapusin sa Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga.

“The National Board of Canvassers-Congress is determined to finish on Wednesday night or Thursday morning, at the latest, by having the canvassing run for 24 hours everyday, without suspensions”, pahayag ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza.

Ayon kay Mendoza, tinitiyak nila sa publiko ang transparency para sa buong canvassing sa pamamagitan ng live streaming at presensya ng media.

Sinabi ni Mendoza na gagawin ng mga mambabatas ng Kongreso ang mandato nito para tapusin ang canvassing at maideklara ang nagwaging Presidente at Bise Presidente sa May 9, 2022 national polls.

Sa kasalukuyan sa partial at unofficial tally ng Comelec kapwa nangunguna sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na kapwa nakakuha ng mahigit sa 31 milyong boto.

Target namang ma­iproklama ang nagwaging Presidente at Bise Presidente hanggang Biyernes, May 27.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with