^

Bansa

Pondo sa Bgy. Elections, buo pa - Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pondo sa Bgy. Elections, buo pa - Comelec
Matatandaan na nakatakda sanang isagawa ang Barangay at SK Elections nitong Mayo 2020 ngunit nasuspinde. Huling ginaganap ang mga eleksyong ito noong 2018 pa.
STAR / Andy Zapata Jr., file

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan kahapon ni Commission on Elections Commissioner George Garcia ang ulat na naubos na umano ang pondo para sa pagsasagawa ng Barangay Elections sa Dis­yembre makaraan ang naganap na National at Local Elections nitong Mayo 9.

Sa press briefing kahapon, iginiit ni Garcia na “intact” o buo pa ang pondo na maaari namang berepikahin ng sinuman sa Department of Budget and Management (DBM).

“Hindi totoo ‘yun. DBM can always verify with them the budget for 2022 Barangay elections is still intact,” giit ni Garcia.

Sa kabila na hindi pa natatapos ang proklamasyon ng lahat ng kandidatong nagwagi nitong nakaraang halalan, sinabi ni Garcia na nag-uumpisa na rin sila ngayong magplano sa pagbuo ng proseso para sa gaganaping halalan sa barangay na isasabay rin ang sa Sangguniang Kabataan (SK).

Matatandaan na nakatakda sanang isagawa ang Barangay at SK Elections nitong Mayo 2020 ngunit nasuspinde. Huling ginaganap ang mga eleksyong ito noong 2018 pa.

Samantala, nanawagan si Garcia lalo na sa mga kabataaan na magparehistro na para sa naturang halalan. Bubuksan na umano ang Comelec registration sa drating na Hunyo o Hul­yo para sa mga bagong botante.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with