^

Bansa

ACT-CIS pokus sa pandemic recovery, pagtulong sa mahihirap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ACT-CIS pokus sa pandemic recovery, pagtulong sa mahihirap
Commuters walk along the sidewalk on EDSA, a major thoroughfare in Metro Manila, on Sunday, March 14, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Alinsunod sa plano ng papasok na admi­nistrasyon ni Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., mga panukalang batas para makabangon sa pan­demya ang unang isusulong na batas ng ACT-CIS, sa pagbubukas muli ng kongreso sa Hulyo.

Ayon kay ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, “patuloy pa rin naman ang pandemya sa buong mundo pero tuloy pa rin ang buhay ngunit dapat mag-ingat pa rin”.

“Kailangan natin ng mga batas tulad ng mga ayuda sa hindi makapasok sa trabaho ng ilang araw dahil sa virus at pagpapagamot o masusing pag-aaral doon sa mga kababayan natin na patuloy na may Covid sa katawan ngunit hindi naman na nakakahawa,” ani Tulfo.

Para naman kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, ang dagdag na cash ayuda para sa mga matatanda at mga Persons With Disability (PWD) kailangan ng isulong.

“Sa nagtataasang bilihin ngayon, wala nang mabili ang P500 to P1,000 na monthly cash assistance para sa kanila,” ani Yap.

Dagdag ng papasok na kongresista, “kailangan ng dagdagan ang kanilang allowance”.

Pangako naman ni Tulfo, “tatrabahuhin ng aming grupo ang mga panukalang batas na ito and we will do our best na maibigay sa kanila ‘yan sa lalong madaling panahon.”

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with