^

Bansa

Duterte, paghahanap ng magagandang babae ang aatupagin pagbaba sa pwesto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte, paghahanap ng magagandang babae ang aatupagin pagbaba sa pwesto
President Rodrigo Roa Duterte talks to the people after holding a meeting with key government officials at the Malacañan Palace on April 5, 2022.
Presidential photo / Alfred Frias

MANILA, Philippines — Muling nagbiro si ­Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa kung saan sinabi niya na dahil patapos na ang kanyang trabaho sa Malacañang aatupagin naman niya ang paghahanap ng maga­gandang babae.

Sa kanyang talumpati sa Central Post Office Building sa Maynila, sinabi ng Pangulo na hanggang tingin na lamang naman siya dahil matanda na.

“Ang trabaho ko na lang ngayon magtingin ng magandang babae…Okay na ako. Tingin lang, hindi ako naga-abduct, hindi ako naga-ano, basta tingin lang kasi matanda na,” ani Duterte.

Sinabi rin niya na hindi siya dapat katakutan kung mayroong titigan pero okay lang sa kanya kung magpapakilala ang ­titingnan.

Wika pa niya na 77 taong gulang na siya at alam ng kanyang partner na mahilig siyang tumingin sa magagandang babae.

“Alam man ng asawa ko ‘yan kasi mahilig man gyud ako magtingin ng magagandang babae. Sabi ko huwag kang — hanggang diyan-diyan lang ako. Wala na akong balak na… Pero hindi ko na lang sabihin kasi magkabungguan tayo dito,” ani Duterte.

Nakatakdang bumaba sa posisyon si Duterte sa Hunyo 30 at ilang beses na niyang binanggit na magiging isang ordinaryong mamamayan na lamang siya at uuwi sa kanilang probinsiya sa Davao.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with