^

Bansa

COVID-19 surge binabantayan vs Omicron sub-variant

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 surge binabantayan vs Omicron sub-variant
Voters queuing at a poll precinct at Pinyahan Elementary School amid sweltering heat and malfunctioning of vote counting machines at Diliman, Quezon City on election day, May 9, 2022.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Posible na magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sa bansa na maaaring idulot ng natuklasang mga lokal na kaso ng BA.2.12.1 Omicron sub-variant.

Ayon kay Health Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea de Guzman, maaaring magdulot ng surge ang mga sub-variants na nakakaiwas sa ‘immunity’ ng isang tao na sasabayan pa ng pagbaba ng ‘immunity’ ng mga bakunado pero hindi pa nagpapaturok ng ‘booster shot’.

“Kung, number one, may papasok ngang bagong va­riant of concern na mas transmissible at tinatawag nating immune-escaping, meaning ‘yung epekto ng bakuna ay mas mababa,” ayon kay De Guzman.

Sinabi ng opisyal na 20% hanggang 27% na mas nakakahawa ang naturang sub-variant. Mayroon na umanong ilang lugar sa bansa ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na buwan ngunit hindi naman nagtatagal.

Ang bagong subvariant ng Omicron ay nakita na sa 11 banyaga at tatlong Filipino.

Babala naman ni Dr. Rontgene Solante na posibleng muling tumaas ang kaso ng COVID sa bansa ng hanggang 500 kada araw dahil sa BA.2.12.1.

Sabi ni Dr. Solante, ang pagtaas ng kaso ay maaaring maranasan sa mga lugar na mababa ang bakuna at sa mga lugar na halos siksikan ang populasyon katulad ng Metro Manila.

Sa kabila nito, patuloy namang nakakapagtala ang Pilipinas ng mababang kaso ng COVID-19. Nitong Miyerkules, 103 bagong impeksyon lang ang naitala ng DOH habang nasa 2,241 ang aktibong kaso sa buong bansa na pinakamababa ngayong taon.

Pero ayon kay Solante, posible rin na hindi tugma ang naiiulat na bagong kaso dahil mababa o kakaunti ang magpapa-test kahit pa may mga nararamdamang sintomas.

vuukle comment

OMICRON SUBVARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with