^

Bansa

Duterte inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno
Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.
PCOO

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ang paggamit ng digital payment services.

Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.

Nakasaad sa EO na naging mabilis, convenient, secure at transparent ang paggamit ng digital payment services.

Sa ilalim ng EO, lahat ng departmento, ahensiya, at instrumentalities ng gobyerno kabilang ang mga state universities at colleges, government-owned-or-controlled corporations, at maging ang mga local government units (LGUs) ay inaatasan na gamitin ang digital payments para sa kanilang disbursements at collections.

Lahat ng mga ahensiya na sakop sa EO ay dapat ipatupad ang ligtas at maayos na digital disbursement sa pagbabayad ng goods, services, at iba pang disbursements, kabilang ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong, suweldo, allowances at iba pang bayarin sa mga empleyado.

Para sa koleksiyon ng gobyerno, lahat ng kinauukulang ahensiya ay dapat mag alok ng digital mode para sa pagbabayad ng buwis, fees, tolls st iba pang dapat kolektahin.

Nakasaad sa EO na hindi pa naman tuluyang isinasara ang pagtanggap ng cash at iba pang tradisyunal na paraan nang pagbabayad.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with