^

Bansa

P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas
Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng mild o moderate COVID-19 infection na makakatanggap ng P15,000 habang ang mga nasapul naman ng severe o critical ay bibigyan ng P100,000 bilang kompensasyon.
Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Mahigit sa P1 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) para sa sickness at death bene­fits ng public at private healthcare workers at mga hindi health workers  na tinamaan at matatamaan ng COVID-19 habang nagsisilbi sila sa gitna ng pandemya.

Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng mild o moderate COVID-19 infection na makakatanggap ng P15,000 habang ang mga nasapul naman ng severe o critical ay bibigyan ng P100,000 bilang kompensasyon.

Makakatanggap naman ng P1 milyon ang mga pamilya ng HCWs at non-HCWs na nasawi sa COVID habang nasa duty.

Ang pagtukoy ng eligible HCWs at non-HCWs ay nakabase sa criteria na itinakda ng health department.

Ang pondo ay manggagaling sa regular budget ng DOH sa ilalim ng Fiscal Year 2022 General Appropriations Act at ili­lipat sa DOH-retained and corporate hospitals, DOH Treatment and Rehabilitation Centers, at Centers for Health Development, at iba pang attached ins­titutions.

Tiniyak naman ng departamento na ipagpapatuloy nito ang timely approval ng budget para sa frontliners.

vuukle comment

DBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with