^

Bansa

618 bagong kaso ng Omicron, natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
618 bagong kaso ng Omicron, natukoy
In its latest chart book, Capital Economics said the Philippines is up for another positive quarter in the October to December period.
Handout / National Institutes of Health / National Institute of Allergy and Infectious Diseases / AFP

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng Omicron va­riant sa bansa makaraang 618 bagong kaso nito ang nakumpirma sa panibagong batch ng samples na isinailalim sa ‘genome sequencing’ ng Department of Health.

Sa pahayag ng DOH kahapon, nadiskubre ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa 677 samples ang bagong 618 Omicron variant at 35 Delta variant.

Sa mga Omicron variant, nadiskubre ang orihinal na lineage nito na B.1.1.529, at mga sub-lineages na BA.1 and BA.2.

“The earliest detection of the BA.2 sub-line­age was on December 31, 2021 and was found to be the majority of Omicron cases in the latest batch,” ayon sa DOH.

Iniimbestigahan na ng DOH kung bakit pina­kamarami ang BA.2 sub-line­age kaysa iba.  Nilinaw nila na wala namang malaking pagkakaiba ang BA.1 at BA.2 pagda­ting sa bilis maihawa at pagiging malubha.

Sa 618 kaso ng Omicron, 497 ay mga lokal na kaso habang 121 ay natukoy sa mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs).

Sa 497 lokal na kaso, 238 nito ay natukoy sa National Capital Region, 71 sa CALABARZON, tig-30 sa Ilocos Region at Western Visayas, 28 sa Eastern Visayas, 27 sa Central Luzon, 20 sa Central Visayas, 19 sa Cagayan Valley, 13 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 10 sa Davao Region, anim sa SOCCSKSARGEN,  tig-dalawa sa Bicol Region at MIMAROPA, at isa mula sa Northern Mindanao.

Sa DOH case line list, 13 sa mga kaso ang patuloy na aktibo, 2 ang nasawi na, 560 ang recovered, at 43 pa ang patuloy na biniberepika.

Dahil dito, umakyat na sa 1,153 ang kabuuang kaso ng Omicron sa bansa na may 5 nasawi.

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with