3 pa nasawi sa Omicron
MANILA, Philippines — Umakyat na sa lima ang kumpirmadong nasawi sa Omicron variant makaraang iulat kahapon ng Department of Health (DOH) na tatlo pang indibidwal na may taglay nito ang pumanaw.
Sa tatlong bagong nasawi, isa sa kanila ay senior citizen. Inaalam pa naman ng DOH ang detalye ng dalawa pa maging ang kanilang status sa pagpapabakuna.
Nitong Enero 19, unang kinumpirma ng DOH ang dalawang pasyente na may Omicron variant na nasawi dahil dito. Isang ang mula sa National Capital Region at isa sa Central Luzon.
Nabatid na parehong senior citizen at may taglay na comorbidities sila. Isa ang hindi pa nababakunahan habang ang isa ay isang dose pa lamang ang natanggap.
“While Omicron mostly presents with asymptomatic and mild disease, our data shows that those most at risk for fatalities are still the elderly and those with comorbidities and unvaccinated,” ayon sa DOH.
Dahil dito, lalong hinikayat ng kagawaran ang publiko lalo na ang mga senior citizen na magpabakuna upang mabigyan sila ng sapat na proteksyon laban sa virus.
- Latest