^

Bansa

Malacañang ipinagtanggol ang pagbibigay ng dating frequencies ng ABS-CBN sa mga Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol kahapon ng Malacañang ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na ibigay ang dating frequencies ng ABS-CBN sa isang media company na pag-aari ng pamilya dating senator Manny Villar.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang desisyon ay base sa mga rules at kasalukuyang batas.

Sinabi pa ni Nograles na walang binanggit na pangalan o kumpanya ang NTC nang kunin ang legal na opinyon ng Department of Justice para sa pagbibigay ng available na frequencies.

Sinabi rin ni Nograles na nang nagtungo ang NTC sa Office of the Exe­cutive Secretary para ku­nin ang opinyon tungkol sa kapangyarihan na ibigay ang available at hindi ginagamit na frequencies ay wala rin itong binanggit na pangalan o anumang entity.

Ibinigay ng NTC sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari ng mga Villar ang isang provisional authority para mag install, operate at  maintain ng isang digital television broadcasting system sa Metro Manila at  Mega Manila sa pamamagintan ng Channel 16. Pansamantala ring ibinigay ang Channel 2 sa AMBS para sa “simulcast purposes” hanggang sa analog shut-off scheduled sa 2023.

Matatandaan na nabigo ang ABS-CBN na makakuha ng bagong franchise sa House of Representatives, halos dalawang taon na ang nakakaraan na naging dahilan kung bakit libo-libong empleyado ng kompanya ang nawalan ng trabaho.

vuukle comment

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with