^

Bansa

'Unvaccinated' makakasakay ng PUV sa Metro Manila ng 30 araw pa

Philstar.com
'Unvaccinated' makakasakay ng PUV sa Metro Manila ng 30 araw pa
Commuters wait for public utility buses along Commonwealth Avenue in Quezon City as the full implementation of the "no vaccine, no ride" policy begins on Monday, Jan. 17, 2021.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kahit may "no vaccination, no ride" policy ang Department of Transportation (DOTr) sa National Capital Region, papayagang makasakay ng pampublikong transportasyon ang mga unvaccinated at partially vaccinated laban sa COVID-19 hanggang ika-24 ng Pebrero.

Sa pahayag ng DOTr, Miyerkules, sinabi nilang ipatutupad ito 30 araw simula ika-26 ng Enero para payagan sumakay sa public utility vehicle (PUV) ang mga hindi pa kumpleto sa bakuna kahit na may ang movement restrictions sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ipinatupad ang naturang 30-day window period matapos mag-usap nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Interior Secretary Eduardo Año at Transport Secrety Art Tugade noong Biyernes matapos tignan ang COVID-19 vaccination data.

 


Matapos ang naturang palugit, hindi na sila pasasakayin ng pamublikng mga sasakyan matapos ang 30-araw na palugit dahil hindi pa kumpleto ang proteksyon nila laban sa COVID-19.

"This joint decision is also meant to support the vaccination drive of the entire government. We want our workers to get fully vaccinated especially now that there is no longer a shortage of COVID-19 vaccines, and there is a threat of highly transmissible variants of the virus. We are giving our workers the time to get themselves vaccinated," paliwanag ni DOTr Undersecretary for Administrative Service and official representative to the IATF Artemio Tuazon Jr. kanina.

"As jointly decided by the DOLE, DILG and DOTr, workers who will remain unvaccinated 30 days after the announcement are not being barred from their workplaces. They are simply not allowed to use public transportation, but can still use other means such as active transport, private vehicles, or company shuttle services."

Ipinapatupad ang naturang "no bakuna, no sakay" policy sa Metro Manila kasabay ng muling pagsipa ng COVID-19 cases sa pagpasok ng mas nakahahawang Omicron variant nito.

Una nang sinabi ng DOTr na tanging ang mga sumusunopd lang ang papayagang sumakay ng pampublikong transportasyon kahit hindi makapagpakita ng vaccine card o IATF-prescribed document:

  • may kondisyong pangkalusugang magbabawal sa taong mabakunahan, basta't may pirmadong medical certificate ng doktor
  • mga taong kailangang bumili ng importanteng goods and services (pagkain, gamot, atbp., mga kailangang magtrabaho o kailangang kumuha medical/dental necessities

Matatandaang iminungkahi na noon ni vice presidential aspirant Walden Bello na ihiwalay na lang ang mga hindi pa kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 kaysa tuluyang bawalan habang tinatawag itong "draconian" na polisya.

Imbis na magpatupad ng naturang DOTR order, itinutulak na lang ngayon ng mga grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno at Bayan Muna na hikayatin na lang sa pamamagitan ng edukasyon ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Dapat din aniyang magpatupad ng libreng "mass testing" ang gobyerno imbis na magpatupad ng sapilitang mga patakaran sa gitna ng mabagal na paggulong ng vaccination drive. 

Sa huling ulat ng Department of Health nitong Martes, aabot na sa 3.45 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na sa bilang na 'yan ang 53,598 katao. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with