^

Bansa

Presidentiables ‘tatalupan’ ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Presidentiables �tatalupan� ni Duterte
“But I’d like to start talking about elections and candidates in due time. Si­guro mga…mga last month of --- I will personally name the candidates and maybe what’s wrong with them na kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” banta ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Philstar.com/File Photo

Mga korap ibubunyag

MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ibubunyag niya bago mag-eleksiyon kung sino sa mga kumakandidatong pangulo ng bansa ang korap.

“But I’d like to start talking about elections and candidates in due time. Si­guro mga…mga last month of --- I will personally name the candidates and maybe what’s wrong with them na kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” banta ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, mahalagang malaman ang totoo at bahala na ang mga mamamayan kung maniniwala sa kanya o hindi.

Bilang Pangulo ay nakukuha umano niya ang lahat ng impormasyon at nakikita rin niya sa pamamagitan nang pagmamatyag.

Alam anya ng mga kandidato kung sino ang kaniyang tinutukoy at sa hanay ng mga ito ay mayroong hindi talaga dapat maging pangulo at mayroon din na masyadong corrupt.

Idinagdag din ni Duterte na may kandidato umano na akala ng mga tao ay malinis pero inirereklamo umano kahit ng mga Chinese dahil sa korapsiyon.

“Mayroon diyan…. --- talagang hindi puwedeng maging presidente. Mayroon naman diyan na presidente pero masyadong corrupt. Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga --- mga nag-transact sa business sa kanya, official business, pati ‘yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” sabi ni Duterte.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with