^

Bansa

Eleazar sa gobyerno: Cash-for-vaccination ikonsidera

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni senatorial candidate Gen. Guillermo Eleazar ang gobyerno na ipatupad ang cash-for-vaccination program para mahikayat ang mga taong magpabakuna lalo na sa mga lalawigan kung saan patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Eleazar, ang cash-for-work program ay naipatupad na sa mga nagdaang taon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad bilang tulong sa mga lokal na residente para marekober mula sa matinding pinsala ng sakuna tulad ng bagyo, lindol, baha at iba pa.

Naniniwala siya na ang cash-for-vaccination program ay maghihikayat sa mga hindi nababakunahang indibidwal na magpabakuna lalo‘t  ilan sa kanila ay naniniwalang pagsasayang lang ng oras ang COVID vaccination dahil bukod sa pipila ng mahabang oras, magbabiyahe pa sila ng matagal patungo sa vaccination sites.

“Ilang ulit na pinatupad at naging epektibo ang cash for work noon sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad at maari din nating itong gawin sa vaccination drive ng ating pamahalaan bilang isang insentibo para sa mga magpapabakuna,” sabi ni Eleazar.

Inihalimbawa nito ang programang sinimulan ng Quezon City government na nagbibigay ng P2,000 sa mga ambulant vendor kapalit ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Bukod sa malawakang information drive, naniniwala ang dating Philippine National Police (PNP) chief na ang pagbibigay ng insentibo ay isang paraan para mapataas ang vaccination rate sa bansa.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with