^

Bansa

Odette, Eleksyon 2022 nagpabagal sa vaccine rollout – Galvez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Odette, Eleksyon 2022 nagpabagal sa vaccine rollout � Galvez
City health officials of Biñan, Laguna innoculate residents at the Alonte Sports Arena on Friday, Jan. 14, 2022. Many of the new recipients are workers getting the shot for the first time as the DOTr was about to implement the "no vaccine, no ride" policy in Metro Manila.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dahilan sa “external factors” kung bakit naging matamlay ang COVID-19 vaccination efforts ng gobyerno.

Ito ang inamin ni vaccine czar Carlito Galvez matapos na iulat ng World Bank na matamlay ang immunization rate sa bansa.

Paliwanag ni Galvez habang nanatiling committed ang pamahalaan na bakunahan ang lahat ng mga Filipino laban sa virus, ang naging pananalasa ng bagyong Odette at ang nalalapit na halalan sa Mayo ang naglilimita sa kakayahan na mapalaki ang partnership sa iba’t ibang sektor.

Iginiit pa niya na anim na rehiyon ang sinalanta ng bagyo na dapat sana ay magsisimula na ang bakunahan subalit napilitan silang suspendihin ang vaccination rollout para tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga consti­tuents tulad ng pagkain, gamot at tirahan.

Maging ang papara­ting na eleksyon ay nakaapekto umano sa nationwide vaccination drive dahil nahahati ang atensyon ng ilang local leaders.

Sa kabila nito umaasa pa rin si Galvez na pansamantalang isantabi ang kanilang personal na interes at unahin ang kalusugan at protektahan ang kanilang constituents lalo na ngayong nakakaranas ang bansa ng panibagong surge ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with