^

Bansa

Kiko: Delivery riders ‘di na mag-aabono sa mga order

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kiko: Delivery riders �di na mag-aabono sa mga order
File photo shows Riders from an online food delivery service wait for orders while maintaining social distancing in Manila on March 21, 2020.

MANILA, Philippines — Hindi dapat pinag-aabono ang motorcycle delivery riders sa mga nakansela o scam na order!

Ito ang iginiit ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan kasunod ng pagpasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa Senate Bill 2302 kung saan hindi na aabonohan ng motorcycle delivery  riders ang paunang bayad sa mga inorder na produkto.

“Maraming pagkakataon na umuuwi ang ating mga riders na pagod at luhaan dahil abonado na naman. Hindi ganito ng kapalarang dapat sinasapit ng ating order heroes,” wika ni Pangilinan, co-author ng panukala.

Ayon kay Pangilinan, hindi makatwiran na ipaubaya pa sa motorcycle riders ang pag-aabono sa order ga­yong sagot na nila ang motor at gasolina.

“Hindi naman buong kita ang napupunta sa kanila. Sa pagsasabatas nitong bill, wala nang abonadong delivery riders, cancelled man o scam na order,” dagdag pa ni Pangillinan.

Kapag naisabatas, hindi na maaaring obligahin ang mga grocery, botika, at delivery service provider ang delivery riders o mga driver na mag-abono sa mga order. May parusang multa at pagkakakulong sa sinumang lalabag dito.

Dahil sa mahala­gang papel na kanilang ginagampanan lalo nga­yong pandemya, sinabi ni Pangilinan na dapat bigyan ng proteksiyon ang mga delivery rider.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with