^

Bansa

Pinoy na ayaw magpaturok vs COVID-19 bumulusok sa 8%, ayon sa SWS

James Relativo - Philstar.com
Pinoy na ayaw magpaturok vs COVID-19 bumulusok sa 8%, ayon sa SWS
City health officials of Biñan, Laguna innoculate residents at the Alonte Sports Arena on Friday, Jan. 14, 2022. Many of the new recipients are workers getting the shot for the first time as the DOTr was about to implement the "no vaccine, no ride" policy in Metro Manila.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Lalo pang kumonti ang bilang ng mga Pilipinong nag-aalinlangan magpabakuna laban sa COVID-19, pagbabahagi ng Social Weather Stations (SWS) sa isang pag-aaral na inilabas nitong Huwebes.

Sa SWS survey na isinagawa nitong ika-12 hanggang ika-16 ng Disyembre, bumaba patungong 8% ang mga Pilipinong edad 18-anyos pataas na nagsabing ayaw nilang magpaturok laban sa nasabing sakit.

Ito'y malaking pagbagsak mula sa 18% na naitala noong Setyembre 2021. 

hindi magpapabakuna (8%)

  • malamang hindi magpapabakuna (1%)
  • siguradong hindi magpapabakuna (7%)

magpapabakuna (35%)

  • malamang magpapabakuna (3%)
  • siguradong magpapabakuna (33%)

hindi tiyak kung magpapabakuna o hindi (6%)

"Of those unvaccinated, the December 2021 survey found 35% willing to get vaccinated, consisting of 33% saying they will surely get vaccinated and 3% saying they will probably get vaccinated," ayon sa pahayag ng SWS kahapon.

"[S]urvey also found only 6% saying they are uncertain about getting vaccinated, down from the 19% in September 2021, 24% in June 2021, and 35% in May 2021."

Lumalabas din sa December survey nasa 50% ang nag-ulat na nakakuha sila ng hindi bababa sa isang dose ng COVID-19 vaccine. Narito ang breakdown niyan:

  • dalawang dose (38%)
  • isang dose (13%)

Kasalukuyang nagpapatupad ng kontrobersyal na "no bakuna, no labas" at "no vaccine, no ride" policy sa Metro Manila atbp. lugar hangga't nasa ilalim ng Alert Level 3 pataas ang mga nabanggit.

Hessitancy single-digit maliban sa 55-anyos pataas

Kumpara noong Setyembre 2021, ang porsyento ng ayaw pang magpabakuna batay sa edad ay bumaba patungong "single-digit" levels sa lahat maliban sa mga 55-anyos pataas.

"As in past surveys, the percentage of those unwilling to get the COVID-19 vaccine tends to be higher among the older age groups," dagdag ng research group.

Porsyento ng ayaw pabakuna ayon sa edad:

  • 18-anyos hanggang 24-anyos (6%)
  • 25-anyos hanggang 34-anyos (5%)
  • 35-anyos hanggang 44-anyos (6%)
  • 45-anyos hanggang 54-anyos (8%)
  • 55-anyos pataas (14%)

Bagama't mataas-taas ang bilang huling age group, bumaba rin ito mula sa noo'y 18%. 

Bumaba rin pare-pareho sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao ang ayaw magpaturok ng gamot, pati na rin sa lahat ng education levels. Gayunpaman, tanging 21% pa lang ang nakakakuha ng dalawang doses sa mga non-elementary graduates sa mga na-survey.

Ang Fourth Quarter 2021 SWS survey ay ikinasa gamit ang harapang panayam ng 1,440 katao (18-anyos pataas) sa buong bansa: 360 mula Balance Luzon, Metro Manila, visayas at Mindanao.

Ang mga inulat na survey items ay hindi kinomisyon ng pribadong sektor at isinagawa gamit ang sariling inisyatiba ng SWS.

"Normal face-to-face field operations resumed in November 2020. The sampling error margins are ±2.6% for national percentages, and ±5.2% for Balance Luzon, Metro Manila, the Visayas, and Mindanao," dagdag pa ng SWS.

Aabot na sa 3.32 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health nitong Huwebes. Patay naman na ang 53,153 mula sa nabanggit na mga nahawaan. 

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with