^

Bansa

Eleazar suportado ang quarantine leave pay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Eleazar ang panukalang pagbabayad sa mga manggagawa ng small at medium enterprises na naka-quarantine dahil sa pandemic subalit kailangang naaayon sa kakayahan ng mga employer.

“Napakadaling sabihin na dapat magbigay ng paid isolation at quaran­tine leaves sa mga em­pleyado subalit kaila­ngan din nating timbangin ang kakayahan ng mga employers, lalo na ‘yung mga maliliit na negosyo, na gawin ito,” ani Eleazar.

Ang pahayag ni Elea­zar ay tugon sa plano ng Department of Labor and Employment (DOLE)  na bayaran ng mga priba­dong kompanya ang kanilang mga empleyado na naka-quarantine bunsod ng COVID-19.

“Isa sa matinding tinamaan ng COVID ay ang sektor ng small and medium enterprises at mismong mga empleyado ng mga maliliit na negosyong ito ay alam ang epekto ng COVID sa kanilang mga pinapasukang trabaho,” ayon pa kay Eleazar.

Unang hiniling ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa mga pribadong kompanya ang pagbuo ng makabagong programa na pinapayagan na ang mga COVID-hit workers na sumailalim sa home qua­rantine o isolation sakaling nagpositibo sa virus.

Habang naka-home quarantine o isolation, babayaran ang empleyado sa ilalim ng special leave benefit para sa COVID-19. Aniya, sa pamamagitan nito mababawasan ang mga alalahanin ng bawat em­pleyado na mabawasan ang kanilang sahod dahil sa pag-absent.

vuukle comment

GUILLERMO LORENZO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with