^

Bansa

BFAR, NTC pinapa-contempt sa korte

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng isang grupo ng kumpanya ng ‘commercial fishing’ ang Malabon City Regional Trial Court na i-contempt ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa hindi pagsunod sa utos na itigil ang implementasyon ng isang administrative order na ipinipilit ang pagkakabit ng ‘monitoring at reporting system’ sa bawat barkong pangisda.

Nabatid na nagpalabas ang BFAR kasama ang NTC ng Fisheries Admi­nistrative Order (FAO) 266-2020 na nag-uutos sa mga kumpanya na magkabit ng ‘VMS-100 transceivers’ sa lahat ng barko nila na nag­lalayag. Ito ay para umano mapalakas ang kampanya laban sa ilegal, hindi iniuulat at hindi nare-regulate na pangingisda.

Nitong Hunyo 1, nag­labas si Presiding Judge Zaldy Docena ng Malabon City RTC, Branch 170 ng desisyon na “null and void” ang FAO 266 dahil sa labag sa Konstitusyon sa pag-apruba sa ‘writ of preliminary injunction’.

Pinagbigyan din ng huwes ang petisyon ng Royale Fishing Corporation, Bonanza Fishing and Market Resources, at RBL Fishing Corporation na nagpapahinto sa Department of Agriculture, BFAR at NTC sa pagpapatupad ng FAO 266 dahil sa umano’y pagiging ilegal at unconstitutional.

Ikinatwiran ng mga kumpanya na masyadong sensitibo ang pagre-rekord at pag-uulat sa pamamagitan ng Electronic Reporting System ng mga impormasyon tulad ng posisyon ng kanilang barko kung saan nakahuli ng mga isda, araw at oras ng aktibidad. Isa umano itong ‘trade secret’ na hindi maaaring ipamahagi.

Sinabi naman ng korte na maaaring may ibang mga pamamaraan na maipatutupad ang pamahalaan sa pagpapalakas ng pagsubaybay sa gawain sa industriya ng pa­ngingisda na hindi dapat lalabag sa karapatan ng iba na ginagarantiya ng Konstitusyon.

Sa kabila nito, hindi umano pinansin ng BFAR at NTC ang utos ng korte kaya nagsampa sila ng ‘kasong contempt’ laban sa mga ito.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with